mga kasabihan noon Vs sa mga pilosopo ngayon!!

noon: Ang taong nagigipit, sa patalim man ay kumakapit.
ngayon: Ang Taong gipit sa bakla kumakapit/matrona
Ang taong nagigipit ay napipilitan minsan na gumawa ng mapangahas
na hakbang na maaaring maging dahilan upang lalu lamang siyang
magipit. Halimbawa, ang taong may mabigat na pangangailangan sa
pera ay nagagawang mangutang ng patubuan, tulad ng 5-6, na nagiging
dahilan upang siya ay mabaon sa utang at lalu pang maghirap.

Noon: Kahit saang gubat, ay mayruong ahas.
Ngayon: Sa isana samahan s mawawala si hudas
Saan man sa ating lipunan ay may mga taong traydor na gumagawa
ng mga bagay na nakalalason o nakasisira sa samahan ng bawat isa.

Noon: Kung ano ang itinanim,  siya rin ang aanihin.
Ngayon: hmmp bakit c juan d nagtatanim may inanani!!
Kung ano ang ginawa mo sa kapuwa ay kadalasang ganun din ang
gagawin sa iyo. Halimbawa, kung naging matulungin ka sa kapuwa
mo ay tutulungan ka rin nila.

Noon: Kung ano ang puno, siya rin ang bunga.
Ngayon: Mas Maganda lahi Maganda bunnga(imporetd pang artista)
Ginagamit sa paghahambing ng anak sa kanyang mga magulang.
Sapagkat ang mga magulang ang humuhubog sa pagkatao at pag-
uugali ng anak, ang anak ang nagiging larawan ng pagkatao at pag-
uugali ng kanyang mga magulang. Ang mabuti (o masamang) anak, ay
karaniwang ibinubunga ng mabuti (o masamang) mga magulang.

Noon: Kung hindi ukol, hindi bubukol.
Ngayon: Pills at condom Para d bumokol>
Ang suwerte sa buhay ay huwag asahang makakamtan kung hindi
talagang nakalaan para sa iyo.

Noon: Kung may isinuksok, may dudukutin.

Ngayon: pag may isinuksok may mandurokot
Matutong magtipid upang sa oras nang pangangailangan ay may perang
makukuha sa sariling ipon upang hindi na umasa sa tulong ng ibang tao.

Noon: Kung sino ang pumutak, siya ang nanganak.

Ngayon: Kung cno ang nahuli sya ang yari>>>
Kung minsan ay kung sino pa ang nangangatuwiran ay siya pala ang mali.
At kung sino pa ang nagkakaila ay siya pala ang may gawa o may  sala.

Noon: Magkulang ka na sa iyong magulang, huwang lang sa iyong biyenan.
Ngayon: D na kailangan ng biyenan kong, manlalamamg din lang 
Kadalasang ipinapayo eto sa mga nagbabalak magpakasal at sa mga
bagong mag-asawa upang mapabuti ang kanilang pagsasama. Ang mga
magulang kase ay higit na mapagtatakpan o mapapatawad ang mga
pagkukulang ng sariling anak.

Noon ;May tainga ang lupa, may pakpak ang balita.

Ngayon: Nandyan c Lolit, ogie, boy, at cristy d kanila tatantanan
Mag-ingat sa mga sinasabi dahil maaaring marining iba nang hindi mo
nalalaman dahil may mga taong tsismoso at mahilig magkalat o gumawa
ng kuwento sa ibang tao.

Noon: Nasa tao ang gawa,  nasa Diyos ang awa.
Ngayon ; Pati juice pinapagawa 
Hindi sapat na tayo ay humingi ng awa sa Diyos, kailangan din natin
ang magsikap at gumawa upang matamo ang minimithing biyaya

NOOn: Pagkahaba-haba man ng prusisyon, sa simbahan din ang tuloy.
NGAyon: d na kailangan ng
Sa tinagal-tagal man ng samahan ng isang magkasintahan, at sa kabila ng
maaaring maging balakid sa kanilang pagmamahalan, sa bandang huli ay
hahantong  din sa kasalan ang kanilang samahan kung sila ay talagang
nakalaan para sa isa’t-isa.

Pagmakitid ang kumot, magtiis kang mamaluktot.

Tayo ay dapat mamuhay nang naaayon sa ating sariling kakayahan. Dapat
magtipid at mamuhay ng payak kung eto lang ang kaya ng ating kabuhayan.
Huwag nating tularan ang pamumuhay ng mga mas nakiririwasa

About these ads

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s


Follow

Get every new post delivered to your Inbox.

%d bloggers like this: